huatong
huatong
avatar

Matsalab

1096 Ganghuatong
mvmorgan261huatong
الكلمات
التسجيلات
Kahit na ano mang sakuna

Kapit lang wag ka mag alala

Kung minsa'y parang madadapa

Kapit lang wag kang magpadala

Kapit lang anumang sakuna ito ay tatawid

Ano mang baliko wag ihinto itutuwid

Kung lumiko wag malito ito'y mahahatid

Pauwi at pabalik pag ibig ang mananig

Sa daming umaakay salamat hindi nangalay

Pag abot nyo ng kamay gintong galaw ang maaalay

Musika ang kaagapay panahon na madilim

Taimtim mong sinubukan tagumpay ikaw salarin

Wag mo lang iindahin tayo din ay darating

Sentro puso mo sa gusto konektatdo sa maging ikaw

Wag ka lang bibitaw sayong natatanaw

Patuloy ka sa byahe ang tagumpay ay ikaw

Marahil dami ngang nabago simula pa lang nung simula

Siguro nga andito na kala wala wala lang

Kala nawawala na sa paggagala

Dami napapala nakilala't katuwa

Ilan lang katuwang panahon laging lutang

Naglilibang libang na parang nahihibang

Buti sa pagtapik agad nakabalik

Sa isang kalabit lahat nakapanik

Sagad agad layag hirap ipreno

Kaya eto bweno tapos na bumwelo

Pumapareho kaya kami nakiterno

Liit na bagay makibagay 'la nang pero pero

Kahit na ano mang sakuna

Kapit lang wag ka mag alala

Kung minsa'y parang madadapa

Kapit lang wag kang magpadala

Kahit ano mang dami ng suliranin

Di papipigil patitibag damdamin

Nag iisa ang aking grupo sa hangarin

Ngayon sigurado sa likha papalarin

Tagumpay naming ay tagumpay ng mundo

Maharlikang paghubog sa iyo ay bubuo

Wag kang papipigil isulong mo ang totoo

Darating din ang araw huhupa na mga gulo

Masaya akong makitang masaya kayo

Hindi lang labi nakangiti pati mata ko

Pag asa natin sa kultura muling itayo

1096 sa musika yan ay ang simbulo

Daming pagsubok sinalo mga pasa

Kit sa mundo tintatamo mga pasa

Tanaw mo sa mata aking mga nadarama

Di na dapat pang sabihin kung alam mong magbasa

Pero di ka nawala noong wala kong magawa

Nagpatangay lamang sa hangin sabay tayong nawala

At lumaban hanggang sa tuluyang makawala

Sa kulungang mapanira nanghihila pababa

Kaya salamat sa pananatili aking kaibigan

Lagi kang nasa tabi di na kailangan pang sabihan

Dating mabisyo bumalik na nga sa wisyo

Di na ko ngayon perwisyo musika kinaadikan

Matagal tagal na din muli nung huling pagkikita

Wala na kong balita saking mga kababata

Sobrang dami ng nagbago pagtanaw sa salamin

Halos di ko makilala yung sarili ko mamen

Ang bilis ng oras ang bagal ng panahon

Dating nakaposas dati ring nakakahon

Pero sayong pag alis dadating yung panahon

Na mababago mo lahat ng pagkakamali noon

Mahirap man ano mang mangyari o kahinatnan

Walang dapat katakot manindigan lang

Sa dulo bahaghari ay makakamtan

Kahit na ano mang sakuna

Kapit lang wag ka mag alala

Kung minsa'y parang madadapa

Kapit lang wag kang magpadala

Kahit na ano mang sakuna

Kapit lang wag ka mag alala

Kung minsa'y parang madadapa

Kapit lang wag kang magpadala

المزيد من 1096 Gang

عرض الجميعlogo

قد يعجبك

Matsalab لـ 1096 Gang - الكلمات والمقاطع