Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan
Minsan kami'y nakikita't pinag uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan
Magkaroon ng anak na tangi naming yaman
Lahat na yata ng hirap ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Gay inpersonator ang naging trabaho ko
Kayhirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang iyong pasensya
Pero kahit nandyan ang problema
Para sa anak lahat ay kayang kaya
Dahil ako ang
Tanging ina nyo
Na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo
Tanging ina nyo
Ang nag aalaga namamalantsa ng damit nyo
Nagpapaligo habang nagluluto ako nagpapakain
Nag aalaga sa inyo
Kinabukasan nyo ang laging iniisip ko
Ang mapag aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay isda at sago
Chicharon at balot ay gagawin ko
At kahit na marami satin ang umaalipusta
Sabihin man nilang lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko'y pantay pantay ang nadarama bilang mga anak
Dahil ako ang inyong ina
Kay hirap talaga kapag nag iisa
Responsibilidad mo'y di basta basta
Kuryente tubig bayad sa kasera
Kung may sobra ma'y baon sa eskwela
Dahil ako ang
Tanging ina nyo
Ang tumatayo bilang nanay at tatay nyo
Tanging ina nyo
Na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan pag di naibigay ang gusto nyo mga kailangan
Tanging ina nyo
Na handang magtanggol pag inaapi kayo
Tanging ina nyo
Na ibibigay kahit buhay ko sa inyo
Anu man ang mangyari nandirito ako
Hanggang huli
Tanging ina nyo
Tanging ina nyo
Tanging ina nyo ako
Tanging ina nyo