UPLOADED BY CHINOYUSA AND JENIE D,B,
Mula nang makilala ka
Buhay ko'y biglang nag-iba
Kay saya ng bawat sandali
Kailanma'y hindi pagpapalit
Ikaw ang aking hiling
Sa habang-buhay ay makapiling
Ngunit mahal, ikaw ay nasaan?
Aking minimithi ay ikaw lamang
Ikaw ang aking pangarap
Ikaw ang sagot sa 'king dasal
Puso ko ay inaalay
Pagkat minamahal kitang tunay
Ikaw ang aking pag-ibig
Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig
Wala nang nanaisin pa
Kung magpakailanman ay kasama ka
## Ikaw lamang
Ang tangi kong iniisip
Ang lagi kong panaginip
Tayong dalawa ay laging nagmamahalan
Pangarap ko
Na kailanma'y 'di maglaho
Ang pag-ibig kong ito
'Pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa 'yo
Ikaw lamang ang buhay ko
Sana nama'y pakinggan mo
Ang puso ko na mayroong sinasabi
Ikaw lamang
Ang tangi kong minamahal
Ang lagi kong dinarasal
Sana'y habang-buhay tayong magkasama
Ang puso ko'y
Ibibigay lamang sa 'yo
Ito ang aking pangako
Mula ngayon hanggang magpakailan pa man
Ikaw lamang
Ikaw lamang
UPLOADED BY CHINOYUSA AND JENIE D.B.