logo

Sana'y Mapasakin

logo
الكلمات
Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga’y balang-araw tulad mo’y mapasa'kin

Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Simple lang ako sagutin mo lang ako at araw-araw kitang liligawan iingatan kunan ng larawan

Umaraw man at umulan ‘di kita iiwan ‘di tulad ng iba diyan

Ang dami diyan nagpapaikot nagpapakipot may plano nga kayo pero ‘di ka sinipot

Ako nama’y nandito lang hinding-hindi maglilikot lahat ng tanong ko ikaw ang sagot

Wala na ‘kong balak pang magsayang ng oras (yeah)

Malay ko ba kung nandito pa ‘ko bukas (uh-huh)

Kaya baka pwede tayong lumabas (god damn) yaan mo akong bahala sa mga ungas (ssh)

Kaya sana’y pag-isipan mong maigi at kung hindi tayo pwede laging mo na lang tandaan

Ako ay nandirito sa iyong tabi at ito ang aking paulit-ulit na sinasabi

Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga’y balang-araw tulad mo’y mapasa'kin

Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Pinapalangin ko na sana’y balang-araw mapasa’kin ang isang katulad mo

‘Wag ka nang magpakipot ikaw lang talaga ang hinihiling ko

Matagal na kitang gusto makasama pwede bang ako na lang sana

Ipapangako ko lagi kang iingatan tuparin mo lang hiling ko araw-araw sasamahan ka

Kahit malayo pa papangitiin ‘pag malungkot ka kasi ikaw ang nagbibigay ligaya

Sana nga’y dumating kasi kailangan kita pagod na kasi ako na mapag-isa

Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga’y balang-araw tulad mo’y mapasa'kin

Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Matagal ko nang pangarap makasama ka sa ulap tila nanaginip ng dilat ang mga talukap

Dila namilipit sa bigat at ganda ng hinaharap sisisirin ko ang lalim ng hiwaga

Makasama lang nag-iisang diwata tumingin sa ‘yo ay ‘di ko maiwasan

Papasukin mo at mundo ko’y handa ko nang iwanan

Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga’y balang-araw tulad mo’y mapasa'kin

Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Umaasa ako na sa akin ka palarin sana nga’y balang-araw tulad mo’y mapasa'kin

Nang walang pangangamba talagang napakaganda kung tayo lang talaga

Sana'y Mapasakin لـ Clien/ALLMO$T/L.A. Goon$ - الكلمات والمقاطع