logo

Hindi Sapat

logo
الكلمات
Tubig na iinumin mo na ay

Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay

Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay

Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Nanay, mami, ina

Mama, inang, mamang, ima

Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay

Nanay, mami, ina

Mama, inang, mamang, ima

Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

Siyam na buwan sa'yong sinapupunan dinala

Hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka

Mapagbigay, hindi iniisip ang sarili

At kay itay ikaw ang palaging humahalili

Pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling

Pag kinukuha ko ang buhat n'yo agad umiiling

Kaya ko na ito anak, baka mahuli ka sa klase

Tinapay na pinalamanan ng baon palagi

Madaling araw kung gumising para lang makapagluto

Maghapong maglalako para sa maliit natubo

Bayad naming sa ilaw, tubig, kuryente

Kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke

Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na

Pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya

Pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina

Tubig na iinumin mo na ay

Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay

Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay

Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Nanay, mami, ina

Mama, inang, mamang, ima

Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay

Nanay, mami, ina

Mama, inang, mamang, ima

Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

Puyat, pagod, sinat, hagod

Saing, hain, hugas, kayod

Sahod may kapos hindi ka nakakalimot

Na sindihan ang posporo

Kandilang tinusok sa ibabaw ng mamon

Na balot ng matamis regalo mo taon-taon

Tila napakabilis isang babae na 'di marunong maningil ng buwis

Minsa'y nakakainis minamani mo ang tiis

Kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit

Mano sa kanang kamay sa noo ididikit

Kahit gabutil na buhangin pipiliting ibalik

Parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit

Mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na

Pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa

Iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya

Pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina

Tubig na iinumin mo na ay

Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay

Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay

Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Nanay, mami, ina

Mama, inang, mamang, ima

Sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay

Nanay, mami, ina

Mama, inang, mamang, ima

Dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay

Tubig na iinumin mo na ay

Ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay

Saya mong mahaba na nagkagutay-gutay

Retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay

Hindi Sapat لـ Cooky Chua - الكلمات والمقاطع