huatong
huatong
gloc-9-hindi-mo-nadinig-cover-image

Hindi Mo Nadinig

Gloc 9huatong
provider1203huatong
الكلمات
التسجيلات
Ang buong akala ko ikaw

ang siyang nakalaan

Para sakin, mga dalangin

ko’y pinakinggan

Nagkamali ako…

Sa mga pangako mo…

Buong akala ko ikaw ang

siyang sakin ay nakalaan

Minahal na kita

Nang makita kita

Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba

Kinapalan ang mukha, niligawan kita

Kahit ako ay alangan sa mata ng iba

Gabi gabi ang laman ng dasal ay ikaw

Kahit na anong mangyari ako’y di bumitaw

Sa pangarap na sa tuwing

merong gabing maginaw

Ang aking kayakap ay

walang iba kundi ikaw

Kaya’t ganun na lamang ang

aking saya nung ako ay

Nagpaalam ngunit hinawakan

mo’ng aking kamay

At sinabi sakin sa

hangin parang tinangay

Nang minahal mo ako,

pwede na kong mamatay

Ako’y nagsikap upang

maibigay sayo ang langit

Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit

Kahit minsa’y nagtatalo,

sayo’y di kayang magalit

Bawat hakbang palayo,

ako’y patakbong lumalapit

Upang di magka agwat

ay nagpasobra ng sapat

Ang lahat kinasabwat,

handa kong gawin ang lahat

Nang ang pag ibig natin sa

isa’t isa’y hindi lumabo

Parang tubig sa baso

kahit na putik ang ihalo

Ang buong akala ko ikaw

ang siyang nakalaan

Para sakin, mga dalangin

ko’y pinakinggan

Nagkamali ako…

Sa mga pangako mo…

Buong akala ko ikaw ang

siyang sakin ay nakalaan

Lagi kang ginagabi, ang huling kagabi

Madalas na magising wala ka saking tabi

Pero di naman siguro, baka guni guni

Ko lamang to, wala lang

to, siya’y may pinapabili

Bagong damit bagong

alahas, mahal basta ikaw

Dagdagan mo pa ng prutas,

mangga basta hilaw

Sa mumurahing bagoong

malalim na sinasawsaw

Kahit tila malansa ang

lasa ay ayos lang daw

Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman

Na ang sinapupunan ng

aking mahal nagkalaman

Ngunit nag aalangan, di ko mapag alaman

Huling beses na nagtabi

parang ang hirap tandaan

Isang araw ay dinugo,

halos lahat ay isumpa mo

Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano

Unti unting nagbago, dinuduro mo pa ko

Bulungan sa telepono

harap harapan sa mukha ko

Umuwi ng maaga, ingay

na tagos sa dingding

Huling huli sa akto,

sakin binaling ang tingin

Hindi na kita mahal, sabay

hubad ng ‘yong singsing

Ako’y binalot ng galit

at nagdilim ang paningin

Ang buong akala ko ikaw

ang siyang nakalaan

Para sakin, mga dalangin

ko’y pinakinggan

Nagkamali ako…

Sa mga pangako mo…

Buong akala ko ikaw ang

siyang sakin ay nakalaan

Ako’y bumunot ng baril,

na dinala kaya pala

Kahit walang dahilan magagamit ko pala

Parang namamagang singaw,

buong dugong nakabara

Lahat ay gustong isigaw,

ngunit kumalso ang panga

Piniringan ang mata, tinalian ang kamay

Minartilyo sa paa, sige

tumakbo kang pilay

Kahit kayo ay mag ingay, sige todo bigay

Di na rin naman pwedeng

maging tistigo si inday

Inunahan ko na siya bago pa mangyari to

Wala kayong kamalay malay

kung gano kagrabe to

Lahat ng galit at pait

ay di kayang masabi to

Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido

Kasing kulay na ng talong

ang mga kutis nyo ngayon

Mga dumudugong kuko na

may pakong nakabaon

Buhok nyong ginunting ko

ay isinilid ko sa bayong

Sisilaban hanggang magbaga

na parang bulkang Mayon

Lumamig na ang luhang

galing sayo at tuminig

Sa kalaguyo mo na mayroong

kutsilyo sa dibdib

Daliri ko’y nasa gatilyo

sabay subo sa bibig

Minahal naman kita, bakit hindi

mo nadinig? (di mo nadinig)

المزيد من Gloc 9

عرض الجميعlogo

قد يعجبك