Napakaraming guro dito sa amin ngunit
Bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman )
Nagaabroad sila
Lupa kong sinilangan
ang pangalan ay pinas
Ngunit bakit parang puno
na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas
parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan
ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang
pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay
lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang
bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang
magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin
mahirap makuha ang buri
Mapahiran ng tsokolate
ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Darating kaya ang araw na ito'y magiiba
Kung hindi ka sigurado
mag isip isip ka na
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman)
Nagaabroad sila
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat
nang nakipagsapalaran
Kahit nag aalangan
para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Isasanla lahat ng kanilang pag aari
Mababawi din naman yan
ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para
makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta.
Basta kumita ng dolyar
na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng
isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit
ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino
Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon ni
wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na itoy magiiba
Kung hindi ka sigurado
mag isip isip ka na
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman)
Nagaabroad sila
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta halos
hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para 'to sa kanila
Lalayo upang magalaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo
matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong
gustong laruan ni angelo
Matagal pa kontrato ko
titiisin ko muna 'to
Basta ang mahalaga ito'y
para sa pamilya ko
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman yumaman
yumaman yumaman yumaman)
Napakaraming tama dito sa atin...
Ngunit bakit tila walang natira...