Pakinggan mo ang tibok ng puso ko
Hanggang ngayon ay 'di ka nalalayo
Ikaw pa rin, ikaw ang siyang sinisigaw
Ni minsan 'di 'to naligaw
Tulala pa rin sa kislap ng iyong mata
Sobrang ganda o di nawawala
Pagibig sayo, ikaw lang gusto
Halika't ipaparamdam
Isasayaw kita ng mabagal
Hanggang sa walang hangganan
'Di magsasawang papakinggan
Ano man ang nasa iyong isipan
Sasamahan ano mang oras
Aalagaan 'gang pagtanda
Papaalala pagnalimutan
Pagmamahal ko sayo'y ganito