huatong
huatong
avatar

Ako'y maghihintay sa iyong pagliligtas

INCmusichuatong
10133099165069810huatong
الكلمات
التسجيلات
Lyrics: Ako'y Maghihintay Sa Iyong Pagliligtas

Kahit anong pait ng paghihirap ko

Ang pag-asa ko'y laging nasa Iyo

Pagsubok man ay dumating

Sa tulong Mo ay handa kong harapin

Mga kabiguan man ay danasin ko

Ang tiwala ko'y laan lamang sa Iyo

Ang puso ma'y mamighati

Ako'y mananatili na sa Iyo pa rin

Pumapatak ang luha ko

Sa hapis kong nadarama

Ngunit ang aking

katapata'y hindi magbabago

Ako'y sa Iyo

Ang buhay ko'y handog na sa Iyo, Ama

Kaya ako'y maghihintay

Sa Iyong pagliligtas

Ang Iyong pag-ibig ay

dama sa aking buhay

Kaya Ikaw ay paglilingkuran

hanggang wakas

Mga kabiguan man ay danasin ko

Ang tiwala ko'y laan lamang sa Iyo

Ang puso ma'y mamighati

Ako'y mananatili na sa Iyo pa rin

Pumapatak ang luha ko

Sa hapis kong nadarama

Ngunit ang aking katapata'y

Hindi magbabago ako'y sa Iyo

Ang buhay ko'y handog na sa Iyo, Ama

Kaya ako'y maghihintay

Sa Iyong pagliligtas

Ang Iyong pag-ibig ay dama

sa aking buhay

Kaya Ikaw ay paglilingkuran

Hanggang wakas

Papanaw nga ang buhay kong ito

Na umaasa sa Iyong pangako

Na ang putong ng buhay

Ay aking kakamtan

Pagsapit doon sa Bayang Banal

Kaya ako'y maghihintay

Sa Iyong pagliligtas

Ang Iyong pag-ibig ay dama

sa aking buhay

Kaya Ikaw ay paglilingkuran

hanggang wakas

المزيد من INCmusic

عرض الجميعlogo

قد يعجبك