Hanggang kailan magtitiis
Ang puso kong nagnanais
Na kahit minsa'y madinig
Ang daing ng pag ibig
O kay tagal nagdurusa
Hanggang ngayo'y umaasa
Baka sakaling mahalin
Magbago ang iyong damdamin
Araw gabing naghihintay
Baka sakaling dumaan
Lumingon ka sa aki't kumaway
At ngumiti man lang minsan
Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mong mahalin
Pag di kita nakikita
Ang oras ay kay bagal
Pag nandyan ka na sa 'king tabi
O kay bilis ng sandali
Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin....
Sana'y bigyan mo ng pansin
At konting pagtingin
Ano ang aking gagawin
Upang matutuhan mo akong mahalin....
Wooooh......ohhh.....