Oooh...... yeah
Di ko kayang mag isa
Dahil kailan man ay laging ikaw
Ang siyang iibigin ko sa tuwina
Di mo man sabihin ang nasa damdamin
Ay nadaramang lumalayo
ka na ngayon sa akin
Kung mahal mo siya ay pipilitin kong
Di mo makita na di ko kaya
Kung mahal mo siya
Di mo maririnig sa akin
Ang mga hikbi dahil mahal kita
Kung di mo makita sa kanya ang nais
Ay narito ako maghihintay
pa rin lagi ang puso
Di ka pipilitin na muling
ibigin tatandaan mo lang
Na ganun pa rin ikaw sa akin
Kung mahal mo siya ay pipilitin kong
Di mo makita na di ko kaya
Kung mahal mo siya
di mo maririnig sa akin
Ang mga hikbi dahil mahal kita
Ganyan ang pag ibig na alay ko
Hinding hindi magbabago
Magunaw at maglaho man itong mundo
Ikaw ang pag ibig ko
Kung mahal mo siya ay pipilitin kong
Di mo makita na di ko kaya
Kung mahal mo siya
di mo maririnig sa akin
Ang mga hikbi dahil mahal kita