logo

Palaging Sa'yo

logo
الكلمات
(Kakaibang saya ang aking nadama)

(Napalapit sa'yo, mundo ngayon lang nagkakulay)

'Di ko alam kung hindi mo pa nahahalata

Ang dami naming na-akit sa'yong maamong mukha

Kaya nagtatanong pa rin, kung bakit sa'kin ka tumingin

Hanggang ngayon ako'y nalilito, pero masaya akong tayo'y naririto

Huwag ka lang lalayo,

Alam kong wala kang katulad dito sa mundo

Malabo din na merong ibang papalit sa'yo

Nais ko lang din namang maipaalam sa iyo na

Kakaibang saya ang aking nadama

Napalapit sa'yo, mundo ngayon lang nagkakulay

Kahit ipilit pa, ayoko sa iba

Sa'yo lang mananatili, alam kong ikaw ay tunay

Buhay ko noon ay magulo, bago pa nahulog sa'yo

Ikaw lang ang natatanging andiyan para sa'kin lagi kaya

Hmm, palaging sa'yo, palaging sa'yo oh

Palaging sa'yo lang ako, yeah

(Kakaibang saya ang aking nadama)

(Napalapit sa'yo, mundo ngayon lang nagkakulay)

'Pag nahihirapang ngumiti, agad kitang pupuntahan

Ipaparamdam ko't ipapakita ko sa'yo na hindi ka na mag-isa sa'yong mundo

Kahit na minsan ay magkagulo, 'di iiwan hanggang dulo na 'to

Basta walang magtatago nang nararamdaman para walang magtatampo

Pangako sa'yo laging tapat ako, at 'yun din ang nakikita ko sa'yo

Hayaan na natin kung meron mang 'di sasang-ayon sa pagmamahalan na 'to

Ang mahalaga'y kilala mo ako

Kahit anong mangyari, palaging sa'yo

(Kahit anong mangyari, palaging sa'yo, oh)

Kakaibang saya ang aking nadama

Napalapit sa'yo, mundo ngayon lang nagkakulay

Kahit ipilit pa, ayoko sa iba

Sa'yo lang mananatili, alam kong ikaw ay tunay

Buhay ko noon ay magulo, bago pa nahulog sa'yo

Ikaw lang ang natatanging andiyan para sa'kin lagi kaya

Hmm, palaging sa'yo, palaging sa'yo oh

Palaging sa'yo lang ako, yeah

(Kakaibang saya ang aking nadama)

(Napalapit sa'yo, mundo ngayon lang nagkakulay)

(Kahit ipilit pa, ayoko sa iba)

(Sa'yo lang mananatili, alam kong ikaw ay tunay)

Palaging Sa'yo لـ Jom - الكلمات والمقاطع