logo

Isang Gabi

logo
الكلمات
Hindi ko pinangarap na umibig

Ng pag-ibig na tila lason ang halik

Hindi ko inasam itong sakit

Na parang langit lamang ang pakiramdam

Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap

Sa tuwing pagmulat

Kahit na pangalan ko′y maaari lang bigkasin

Kung 'di iihip ang hangin

Hayaan mo lamang umibig ang isang

Pusong humihingi ng isang gabi

Paano bang limutin mga pangako

Na tila lumalago lang sa dilim?

Nananahimik lang ang buhay kong biglang

Tumigil nang ikaw ay dumaan

Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap

Sa tuwing pagmulat

Kahit na pangalan ko′y maaari lang bigkasin

Kung 'di iihip ang hangin

Hayaan mo lamang ang puso kong hibang

At humihingi ng isang gabi

Kahit na hindi ako ang laman ng iyong mga yakap

Sa tuwing pagmulat

Kahit na pangalan ko'y maaari lang bigkasin

Kung ′di iihip ang hangin

Ooh, sa tuwing pagmulat

Kahit pa ang mga kamay maaari lang magdampi

Kapag walang nakatingin

Hayaan mo lamang ang puso kong hibang

At humihingi ng isang gabi

Ng isang gabi

Isang Gabi لـ Julie Anne San Jose/Rico Blanco - الكلمات والمقاطع