Heto na naman 
Nag-iisip, minsa'y nagtataka 
Na sa 'kin na lahat 
Bakit nangungulila 
At nang makita ka 
Ibang sigla aking nadarama 
Pag-ibig nga ba ito 
Ako'y nangangamba 
Nais kong ipagtapat sa'yo 
Sana'y dinggin mo 
Ang lihim ng pusong ito 
Kahit na tayo'y magkaibang mundo 
Ikaw nga ang syang hanap-hanap 
Kay tagal na ako'y nangarap 
Lumuluhod, nakikiusap 
Ako ay mahalin mo sinta 
Ikaw nga ang syang magbabago 
Sa akin, sa aking buhay 
Handang iwanan ang lahat 
Upang makapiling ka sinta 
Nang makilala ka 
Ibang saya aking nadarama 
Alam kong pag-ibig ito 
Anong ligaya 
Nais kong ipatapat sa 'yo 
Sana'y pagbigyan 
Dinggin ang puso kong ito 
Kahit na tayo'y magkaibang mundo 
Ikaw nga ang syang hanap-hanap 
Kay tagal na ako'y nangarap 
Lumuluhod, nakikiusap 
Ako ay mahalin mo sinta 
Ikaw nga ang syang magbabago 
Sa akin, sa aking buhay 
Handang iwanan na lahat para lang sayo sinta 
Upang makapiling ka sinta