Kahapon lang,
Tayo'y magkasama
At parang bula
Ika'y nawala
Sariwa pa
Sa aking isipan
Mga sumpa mo
At pag suyo...
Nasaan na ang pangakong
Ako lang ang mahal mo
Nasaan na ang pangako
At bigla kang lumayo.
Ngayon ikaw ay,
May ibang minamahal
Hangad kong lagi..
Ang iyong ligaya.
Kung ikaw ay
Kanyang iiwan
Ako'y palagi..
Naghihintay
Nasaan na ang pangakong
'di ka magbabago
Nasaan na,
Ang pangako at ako'y iniwan mo
Ang puso ko'y
Nangungulila..
Hanggang kailan
Magdurusa
Nasaan na ang pangakong
'di ka magbabago
Nasaan na ang pangako
At ako'y iniwan mo
Nasaan na ang pangakong
Ako lang ang mahal mo
Nasaan na ang pangako
At bigla kang lumayo...
Nasaan na...
Nasaan na...