Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang, baby, huwag kang magbago
Dito ka lang humimbing sa aking piling, antukin
Kukupkupin na lang kita
Sorry, wala ka nang magagawa
Mahalin mo na lang ako nang sobra-sobra
Para patas naman tayo, 'di ba?
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan
Hoo-hoo-ooh...
Pinaiyak ka ng manghuhula
Hindi na raw tayo magkasamang tatanda
Buti na lang, mayro'ng langit na nagtatanggol sa
Pag-ibig na pursigido't matiyaga
Sasalubungin natin ang kinabukasan
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhana'y mayro'ng trip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan, kung gusto, palaging mayro'ng paraan