logo

Araw Gabi

logo
الكلمات
Hmm, hmm

'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo

Para akong isang sira-ulo, hilo at lito

Sa akin pang minanang piano, teklado'y pilit nilaro

Baka sakaling mayro'ng tonong bigla na lang umusbong

Tungkol saan naman kaya'ng awitin para sa 'yo?

'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono

Sampu man aking diksiyonaryo, kung ang tugma'y 'di wasto

Basta't isiping 'di magbabago, damdamin ko sa iyo

Araw-gabi, nasa isip ka

Napapanaginip ka kahit sa'n magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka

Araw-gabi, tayong dalawa, oh-oh-oh

Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid

Dapat mo lamang mabatid, laman nitong dibdib

Tila sampung tangang awitin, matapos kong likhain

Ito ang tunay na damdamin, tanggapin at dinggin (at dinggin), oh-whoa

Araw-gabi, nasa isip ka

Napapanaginip ka kahit sa'n magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka

Araw-gabi, tayong dalawa

Araw-gabi, tayong dal'wa

Araw-gabi

Araw-gabi, tayong dal'wa, oh, oh

Araw-gabi

Araw-gabi, nasa isip ka

Napapanaginip ka kahit sa'n magpunta

Araw-gabi, nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka

Araw-gabi, tayong dal'wa

Araw-gabi, tayong dalawa

Hmm, araw-gabi, tayong dalawa

Araw Gabi لـ Troy Laureta - الكلمات والمقاطع