huatong
huatong
الكلمات
التسجيلات
Naaalala ko yung araw na tayo pa

Magkasama tayo kahit san man magpunta

Iniingatan natin ang isa't isa

'Di matanggi ang saya sa mga mata

Kakaiba ang pakiramdam 'pag nandyan ka na

Tipong lahat ng lungkot ay napapawi na

'Di ba lahat noon kay saya kay ganda

Kaso nga ngayon naiwan mo akong nag iisa

Hanggang kailan ba ako magiging ganito

Umaasa pa rin na babalik ka sa piling ko

Hanggang kailan ba ako magiging ganito

Sadyang masasayang alaala na lang pinanghawakan ko

Hanggang kailan ba ako magiging ganito

Handa ko kasing gawin ang lahat para lang sa'yo

Hanggang kailan ba ako magiging ganito

Ikaw pa rin naman kasi sinisigaw ng puso kong ito

Ikaw na nga ang hinahanap ng puso

Ang s'yang magbibigay ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko

Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

Sa piling mo'y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko

Ikaw na nga ito

Masakit sa akin na nalaman ko

May iba na palang nagpapasaya sa'yo

Kaya pala nalimot mo ang katulad ko

'Di mo na nagawang balikan katulad ko

Ano ba'ng meron s'ya na wala ako

Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko

Mga pangarap natin dali mong kinalimutan

Pangako mo sa'kin na hindi mo ko iiwanan

Sa isang saglit lahat ng 'yan tinalikuran

Wala din palang bisa ang ating mga sumpaan

Pero mahal lagi mong tatandaan

Anuman mangyari ikaw pa rin babantayan

Masakit sa akin ang pangyayari na 'to

'Di ko inaasahan na magiging ganito

Masakit sa akin ang pangyayari na 'to

'Di ko akalain na lolokohin mo ako

Masakit sa akin ang pangyayari na 'to

Akala ko tayo na pero iniwan mo ako

Masakit sa akin ang pangyayari na 'to

Pero sa kabila nito ikaw pa rin ang nasa puso ko

Ikaw na nga ang hinahanap ng puso

Ang s'yang magbibigay ng saya ng tamis at lambing

Sa buhay ko wooh

Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

Sa piling mo'y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko

Ikaw na nga ito masaya ako na masaya ka na

Kahit masakit sa akin nasa piling ka na ng iba

Alam mo ba ipagdarasal pa rin kita

Kahit ano man ang mangyari ikaw lang ay nag iisa

Kahit parang araw at buwan

'Di na kita muling pwedeng matagpuan

Kahit saan salisi na ating daan

Hanggang alaala na lang mga panahon na nagdaan

Tatanggapin ko na lang katotohanan

Na ang pag ibig natin ay hanggang dito na lamang

Dahil hanggang masasayang alaala na lamang

Ang aking pag iingatan at aking panghahawakan mahal

Mag iingat ka palagi kahit nasaan ka man

Hanggang alaala na lang pwede nating balikan

Mag iingat ka palagi kahit nasaan ka man

Ikaw naging inspirasyon para lahat ay makamtan

Mag iingat ka palagi kahit nasaan ka man

Pinagtagpo lang tayo pero 'di naman pinagtagal

Mag iingat ka palagi kahit nasaan ka man

Nag iisa ka sa puso ko lagi mong tatandaan

Ikaw na nga ang hinahanap ng puso

'Di ko matiis kapag wala ka sa tabi

Ang s'yang magbibigay ng saya ng tamis at

Lambing sa buhay ko woh woh

Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

'Di ko matiis kapag wala ka sa tabi

Sa piling mo'y nagkatotoo ang lahat ng mga pangarap ko

'Di ko matiis kapag wala ka sa tabi

Iniisip kita sa aking bawat ikaw na nga ito woh woh

Ikaw na nga ito

المزيد من Willie Revillame/Lil Vinceyy

عرض الجميعlogo

قد يعجبك