logo

Bulag Pipi at Bingi

logo
الكلمات
Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan

Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan

Huwag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan

Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan

Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo

'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin

Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin

Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan

Pipi ka man nang isinilang dakila ka sa sinuman

Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo

'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Ano sa'yo ang musika sa'yo ba'y mahalaga

Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig

Mapala ka o kaibigan napakaingay ng mundo

Sa isang binging katulad mo walang daing walang gulo

Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo

'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangan na buhay na banal

Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo

Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo

'Di makita 'di marinig minsa'y nauutal

Patungo sa hinahangan na buhay na banal