Kung may bigat na dala 
Sa iyong kalooban 
Tila di na kayang malampasan 
Minsay nalilito walang masulingan 
Pusoy lugmok sa kabalisahan 
Sa mga pag isa ay nahihirapan 
Tigib ng hinain ang kalooban 
Nawawalan ng pag asa dito sa mundo 
Naghahanap lingap at saklolo 
Pumasok ka sa iyong silid at kausapin 
Ang dios na pag ibig ay sambahin 
Ilapat mo ang iyong pinto at manalangin 
At ang pangalan niya ay sambitin 
Ang tuhod at sahig ay paglapatin 
Bigkasin ng puso sa lihim 
Doon pakilala lahat mong panimdim 
Sa dioos na may lalang ka dumaing 
Kay lalapit taglay pananampalataya 
Nagsisising diwa may pagluha 
Di ka mabibigo sa iyong pagsamo 
Mararamdaman sa iyong puso 
Pumasok ka sa iyong silid at kausapin 
Ang dios na pag ibig ay sambahin 
Ilapat mo ang iyong pinto at manalangin 
At ang pangalan niya ay sambitin 
Ang tuhod at sahig ay paglapatin 
Bigkasin ng puso sa lihim 
Doon pakilala lahat mong panimdim 
Sa dios na may lalang ka dumaing 
Ang tuhod at sahig pag tagpuin 
Saka ka dumaing 
Ama namin