Nangahas akong i-drive
ang buhay ko
Laging sumesemplang
at nabibigo
Pa'no kasi kaydilim
ng tinatahak ko
Aandap-andap
pa'ng headlight ko
II.
'Di makapreno
sa layaw at bisyo
Gusto ko mang ihinto,
nahihirapan ako
Nakikiusap sa Iyo
ako'y saklolohan Mo
Manebela ay hawakan Mo
Oh Dios, Ikaw na lang
mag-drive ng buhay ko
'Pagkat mas nalalaman Mo
ang dapat na tahakin ko
Sa 'Yong mga kamay, oh Dios
tinitiwala ko
Ang buhay ko na nagmula sa 'Yo
III.
Dinggin mo oh Dios
ang dalangin ko
Sa biyahe ng buhay
ako'y samahan Mo
Malubak man ang daan,
tuloy pa rin sa pagtakbo
Dahil nand'yan Ka na driver ko
Oh Dios,
Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko
'Pagkat mas nalalaman Mo
ang dapat na tahakin ko
Sa 'Yong mga kamay oh, Dios
nasisiguro ko
Mararating ko ang paraiso
Oh Dios, Ikaw na lang
mag-drive ng buhay ko
'Pagkat mas nalalaman Mo
ang dapat na tahakin ko
Sa 'Yong mga kamay,
oh Dios nasisiguro ko
Mararating ko ang paraiso
Mararating ko ang paraiso
Ikaw na lang mag-drive ng buhay ko