Kaya namang makayanan
Kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot dumaraan
'Pag natuyo na ang luha
Parang nahipan ang 'yong kandila
Init ay wala
Hindi ba pangako mo nu'ng
Una tiwala'y iingatan
Baka naman sa susunod na
Habang- buhay ha ay na lang
'Di talaga inasahang
Magkagulo't magkagulatan
Tahanang pinagpaguran sa'n na napunta
Hindi ba pangako mo nu'ng
Una tiwala'y iingatan
Baka naman sa susunod
Na habang- buhay ha ay
Hindi ba pangako mo nu'ng
Una tiwala'y iingatan
Baka naman sa susunod
Na habang- buhay ha ay
At kahit nabago na ng oras
Ang puso ma'y nabutas
Ikaw pa rin sa susunod na
Habang- buhay ha ay ha ay
Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin
Sa susunod na habang- buhay