menu-iconlogo
huatong
huatong
coco-martinbassilyozaitojeff-tam-peksman---from-ang-panday-cover-image

Peksman - From "Ang Panday"

Coco Martin/Bassilyo/Zaito/Jeff Tamhuatong
লিরিক্স
রেকর্ডিং
Kahit ano basta ikaw, walang problema

Kahit buhay ibibigay, ito'y pangako ko, sinta

Dahil ayokong malayo sa 'yo, magmukha man akong gago

'Pagkat minamahal kita, oh giliw ko

Kahit ano basta ikaw ay aking susundin

Kahit bituin susungkitin, huwag lang akong mabibitin

Siguro ay wala na akong dapat pang ipangamba

Sa ganitong paraan, 'di mo na ako iiwan pa

Peksman, mamatay man, basta't iyong kagustuhan

Hindi magdadalawang-isip ika'y aking pagbibigyan

Buong oras ko'y iuukol lamang sa 'yo

Bulaklak para sa iyo, piso tumpok ang bili ko

May kasama pang lobo

Handa 'kong sungkitin ang bituin para sa 'yo

At isabit para gawing parol sa bahay niyo

'Di man ako ang pinakapogi sa mundo

Ako naman ang pogi sa mata ng mama ko

Kahit 'di man ako matanggap ng 'yong magulang

Yayaman din ako, pera na lang ang kulang

Kahit ako'y mahirap, ikaw lang ang iibigin

Basta mahal kita, bukas na lang tayo kumain

Mundo ko'y mawawalan ng kulay

Kung ikaw sa akin ay mawawalay

'Di man kita mabigyan ng magandang buhay

May magandang lahi namang maaalay

Kung itsura lang ang basehan

Tiyak, yari na sila

Kasi 'di lahat ng gwapo, artista

Minsan, rapper 'yung iba

Peksman, mamatay man, basta't iyong kagustuhan

Hindi magdadalawang-isip ika'y aking pagbibigyan

Buong oras ko'y iuukol lamang sa 'yo

Bulaklak para sa iyo, piso tumpok ang bili ko

May kasama pang lobo

'Pag sinagot mo 'ko, matalino ka

'Pag minahal mo 'ko, mas mahal kita

Kung sa karanasan, ako ay hinog na

Sa sobrang hinog parang nabubulok na

Kaya maswerte ka pa at mapalad ka

May syota ka na, may tropa ka pa

May kuya ka na, may tito ka pa

May daddy ka na, may lolo ka pa

'Pag naging tayo, ililibot kita

Mag-iipon ako pero mauna ka na

'Pag tayo'y kinasal, ang handa ay pandesal

Na ang palaman, wagas na pagmamahal

'Di man ako perpekto, pero tunay na tao

Makisig at magalang, 'yan ang tunay na gwapo

Ang aking mga bisig ay nais kang mayakap

Nang dahil sa pag-ibig, natuto 'kong mag-rap

Peksman, mamatay man, basta't iyong kagustuhan

Hindi magdadalawang-isip ika'y aking pagbibigyan

Buong oras ko'y iuukol lamang sa 'yo

Bulaklak para sa iyo, piso tumpok ang bili ko

May kasama pang lobo

Peksman, mamatay man (iibigin ka)

Basta't iyong kagustuhan (ikaw lang at wala nang iba)

Hindi magdadalawang-isip ika'y aking pagbibigyan

Buong oras ko'y (sa 'yo lang, sa'yo lang talaga)

Iuukol lamang sa 'yo (ikaw na, sige na, the best ka)

Bulaklak para sa iyo, piso tumpok ang bili ko

May kasama pang lobo

Coco Martin/Bassilyo/Zaito/Jeff Tam থেকে আরও

সব দেখুনlogo

আপনার পছন্দ হতে পারে