Mahal, alam ko na hinding-hindi na mababalik
Ang dating masayang samahan nating dalawa
Pero kahit na gano'n, ikaw pa rin ang iniibig ko
Kahit 'di na tayo magkasama sa pagtanda, oh-whoa
Sana, sana pala iningatan kita
Para hindi ka napunta sa iba
Ako ay nagsisisi na, oh-whoa
Sana, sana pala binigyang halaga
Para hindi ka naghanap ng iba
Ngayon ay nagsisisi na
Ayy, baon ko pa rin 'yang ngiti mo
Kita ko lagi hanggang sa panaginip
Pipilitin na makuha kitang muli
Mga ligaw na tala na muling magbabalik
Sa 'ting munting tahanan, ayoko na masayang
Sana sa dulo, ikaw at ako na lang, wala nang harang
Habang tunog gitara, painitin ang gabi, uh
May hawak pa tayong kape
Sa layo ng agwat, ikaw pa rin aking prinsesa
Lagi kang mabisa, 'di na masisira
Sana naman ay mahagkan lang
Para mawala bigat ng nakaraan
Ikaw lang at ako, laban sa mundo
'Di na tayo muling mabibigo
Sayang naman ang pinagsamahan nating dal'wa
Nauwi lang lahat sa wala
'Di ko sinadyang mabalewala, oh-whoa
Sana, sana pala iningatan kita
Para hindi ka napunta sa iba
Ako ay nagsisisi na, oh-whoa
Sana, sana pala binigyang halaga
Para hindi ka naghanap ng iba
Ngayon ay nagsisisi na