menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Pagbabalik-Loob

EJ Powerhuatong
লিরিক্স
রেকর্ডিং
Kumusta na

Ayos ka lang ba

Nagbakasakali lang baka pwede kang kausapin

Makinig ka muna sa'kin at sana ay unawain, sadyang may mga bagay lang na kailangan Na unahin at

Pasensya na, medyo naging abala paminsan minsan ay tinatanong din ang sarili kung May gana pa

Nais mang lumisan datapwat bumabalik sa'king alaala nung unang beses na nakilala ka

Itinuro mo sa akin kung paano ihayag ang sinasabi ng damdamin

Inakay mong lumakad sa eksena hanggang sa tumigil ang takbo pagkat lumipat ng Karera

Pero kahit na ganon ay hindi ka nawala sa'king puso at isipan

Mula noon at hanggang ngayon, walang nagbago ikaw pa rin ang kinahihiligan

Sana hanggang ngayon naaalala mo ako at inaalay ko sa'yo ang kanta ko na to

Huwag ka sanang magtampo, pinapangako kong kapag ika'y muli kong nahagkan ay di Na ko lalayo sa'yo

Lumihis man ng nilalakaran

May pangako namang pinanghawakan

Tinatak sa balintataw na balang araw ay magbaliktanaw

Eto na ako, nagbabalik ngayon, hiling ko lang ay wag mong pagsarahan ng pinto

Eto na ako, nagbabalik ngayon, hiling ko lang ay sana'y muling tanggapin mo

Nawala na oras kukuhanin at segundo'y susumahin

Ang tagal tagal kong nawala gusto kong bumawi

Katanungan ko ikaw pa ba'y muling tutungo sa'kin lalo na't marami na sa'yo ang Nahuhumaling

Teka lang! Yung iba lang jan ay puro hangin

Pagtiyatiyaga ko sana'y wag kulangin

Medyo kritikal, nakakagimbal

Talagang mahirap magmahal pag maraming karibal

Sa sobrang tagal na tayo'y hindi nagkita

Nagmistulang lugmok, malungkot, bigo ang diwa

Nangungulila sa'yong tinig at melodiya

Mga lumang liham ko sa'yo ang nagsilbing memorabilia

Bigyan mo ng pagkakataon sa mga araw at buwan na ninakaw ng panahon

At pag dumating ang puntong muling mapasa'kin ka, papatunayan ko sa kanila na para Tayo sa isa't isa

Lumihis man ng nilalakaran

May pangako namang pinanghawakan

Tinatak sa balintataw na balang araw ay magbaliktanaw

Eto na ako, nagbabalik ngayon, hiling ko lang ay wag mong pagsarahan ng pinto

Eto na ako, nagbabalik ngayon, hiling ko lang ay sana'y muling tanggapin mo

At nagbabalik loob na ko

Walang halong pagpapakitang tao

Oras na para muling hablutin ang papel, pluma at mikropono at sumampa sa entablado

Lumihis man ng nilalakaran

May pangako namang pinanghawakan

Tinatak sa balintataw na balang araw ay magbaliktanaw

Eto na ako, nagbabalik ngayon, hiling ko lang ay wag mong pagsarahan ng pinto

Eto na ako, nagbabalik ngayon, hiling ko lang ay sana'y muling tanggapin mo

EJ Power থেকে আরও

সব দেখুনlogo

আপনার পছন্দ হতে পারে