Bakit mo ako niyaya dito 
Para gitgitin ng mga kayabangan mo? 
Bakit mo ako sinama dito? 
Sabay bulong mo nang mahina 
Langit o lupa, araw o gabi 
Mamili sa dalawa, tama o mali 
Lagit o lupa, araw o gabi 
Mamili sa dalawa 
Sa'n ka papunta, kaliwa o kanan? 
Ano'ng gusto, bago o pinaglumaan? 
Mayron o wala, payat man o mataba 
Pandak o matangkad na palaging tinitingala 
Mura o mahal, sandali o matagal 
Manipis o makapal o 'di kaya'y mahiyain o garapal 
Pangit o maganda, bata man o matanda 
Sino kaya ang malaya, 'yung nakagapos o s'yang nakawala? 
Tandaan mo sa buhay ay dalawa lang 
Ang s'yang dapat nating pagpilian 
Nasasa'yo ang kahihinatnan 
Mabuti mong pag-isipan nang hindi ka magtanong ng 
Bakit mo ako niyaya dito 
Para gitgitin ng mga kayabangan mo? 
Bakit mo ako sinama dito? 
Sabay bulong mo ng mahina 
Langit o lupa, araw o gabi 
Mamili sa dalawa, tama o mali 
Lagit o lupa, araw o gabi 
Mamili sa dalawa 
Bakit ba nahihirapan? Ang pagpipilian lang ay dalawa 
Pinag-iisipan pa ba kung ano ang tunay na mahalaga? 
Sabi sa akin nu'ng bata pa, 'pag puro mali ay tama na 
Pa'no ang kinabukasan kung 'di ka aabot sa makalawa? 
Kagatin ko na kaya ang berdeng mansanas na ibinigay ng ahas 
Magaling sa mga bagay, pero bakit dami pa rin dinaranas? 
Lumalaban nang parehas, kahit kapalaran parang 'di na patas 
Totoo ang pagkatao kahit nababalot ng pekeng alahas 
Sabi sa 'kin nu'ng baraha, sa kanya na lang iasa 
Pero bakit laging malas kahit ilang ulit ko nang binalasa 
Habulin man at madapa, mabuti man o masama 
Mamili ka sa dalawa, langit-lupa, ikaw ang taya 
Tandaan mo sa buhay ay dalawa lang 
Ang s'yang dapat nating pagpilian 
Nasasa'yo ang kahihinatnan 
Mabuti mong pag-isipan nang hindi ka magtanong ng 
Bakit mo ako niyaya dito 
Para gitgitin ng mga kayabangan mo? 
Bakit mo ako sinama dito? 
Sabay bulong mo ng mahina 
Langit o lupa, araw o gabi 
Mamili sa dalawa, tama o mali 
Lagit o lupa, araw o gabi 
Mamili sa dalawa