Tara na abutin ang pangarap
Di papipigil sa bawat hakbang
Dahil connected na tayo
Gumawa tayo ng isang awitin
Mayroon akong nais sambitin
Pangarap ay aabutin
Kasing taas ng bituin
Tayo ay maglalakbay
Sabay sabay
Tara na abutin ang pangarap
Di papipigil sa bawat hakbang
Sa saya at kalungkutan
Di ka iiwan
Dahil connected na tayo (Oh oh oh)
Kamtan natin ang isang mithiin
Pag-ibig siyang yayakap sa atin
Mananatili sa katotohanang
Walang iwanan
Tayo ay maglalakbay
Sabay sabay
Tara na abutin ang pangarap
Di papipigil sa bawat hakbang
Sa saya at kalungkutan
Di ka iiwan
Dahil connected na tayo (Oh oh oh)
Pangako ko'y hindi malilimutan
Ng hanggang sa dulo
Ika'y sasamahan
Kahit ilang hamon muling harapin
Sasamahan kita
Sa pagabot ng bituin
Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo
Dahil connected na tayo
Tara na abutin ang pangarap
Di papipigil sa bawat hakbang
Sa saya at kalungkutan
Di ka iiwan
Dahil connected na tayo