menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Lahat Ng Bagay

Kuya Daniel Razonhuatong
🔥🅱️Ⓜ️🅱️L💞jhune🌎🏅💞huatong
লিরিক্স
রেকর্ডিং
Ooh...

Ang araw ay kay tulin na lumilipas

Humihina ang pagkatao kong labas

Ngunit nadarama, pag-ibig Mong wagas

Ako ay nilingap at pinaging-dapat

Lahat ng bagay ay sa 'Yo, Ama

Ang buhay at lakas, sampu ng kalul'wa

Ang maiaalay t'wina

Awit at pasalamat

Pagpupuring walang hangga

Hating-gabi na nagdaan sa aking buhay

Mga bagyong sa tulong Mo'y nalagpasan

Ang mga sandaling puso'y nalulumbay

Iyong hinawakan, aking mga kamay

Lahat ng bagay ay sa 'Yo, Ama

Ang buhay at lakas, sampu ng kalul'wa

Ang maiaalay t'wina

Awit at pasalamat

Pagpupuring walang hangga

Walang hangga

Kung mag-isa ay 'di naman makakayanan

Harapin ang pagsubok at kalungkutan

Sa paghina nitong lupa kong katawan

Pag-asa'y Ikaw pa rin ang aking gabay

Lahat ng bagay ay sa 'Yo, Ama

Ang buhay at lakas, sampu ng kalul'wa

Ang maiaalay t'wina

Awit at pasalamat

Awit at pasalamat

Awit at pasalamat

Pagpupuring walang hangga

Salamat, Ama

Walang hangga

Kuya Daniel Razon থেকে আরও

সব দেখুনlogo

আপনার পছন্দ হতে পারে