menu-iconlogo
logo

Patawad, Paalam

logo
লিরিক্স
"Patawad, Paalam"

Paano nalimutan ang lahat

Na kahit konti walang pasabi

Paanong nalimutang banggitin

Na nagbago pala ang pagtingin

Ooh.....ohhh....

wala na rin naman kahit na balikan

Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan

At sa huling paalam naintindihan

Na sa ating dalawa may ibang nakalaan

Paanong burahin ang sandali

Na iguhit sa panaginip

At kung sa paggising ikaw pa rin

Ang nasa isip, hindi maitanggi

Ooh.....ohhh....

wala na rin naman kahit na balikan

Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan

At sa huling paalam naintindihan

Na sa ating dalawa may ibang nakalaan

Patawad, Paalam

Patawad, Paalam

Patawad kung ikaw ay aking nasaktan

Hindi ko nabigay ang iyong kailangan

At ang huling pangakong maibibigay

Nasa ating dalawa ay wala ng sisihan

Patawad paalam sa 'ting nakaraan

Moira Dela Torre/I Belong To The Zoo-এর Patawad, Paalam - লিরিক্স এবং কভার