menu-iconlogo
huatong
huatong
লিরিক্স
রেকর্ডিং
Nandito na tayo, sa simula ng ating dulo

Bukas na ba talaga ang pinto?

Patungo sa malayo, sa malaya mong mundong

Inubos ang tibok ng puso

Sana sa ating paggising, kalimutan ang lahat

Unti-unting pupulutin, pirasong nagkalat

Kamay mo'y 'di bibitawan, bubuksan ang aklat

Ang kwento ng ikaw at ako

Tayo ang sumulat

Tayo ang sumulat

Sumuko sa kahapon

Nais ko lamang magtanong

Sapat na nga ba siya sa ngayon?

Umasa sa pangako

Pangako na 'di maglalaho

Wala na ba talagang totoo?

Sana sa iyong paggising, kalimutan ang lahat

Unti-unting pupulutin, pirasong nagkalat

Kamay mo'y 'di bibitawan, bubuksan ang aklat

Ang kwento ng ikaw at ako

Ikaw ang sumulat

Ikaw ang sumulat

Ikaw ang sumulat

Ikaw ang sumulat

Dahil sa aking paggising, kakalimutan ang lahat

'Di na kayang pulutin, pirasong nagkalat

Kamay mo ay bibitawan, isasara ang aklat

Ang kwento ng ikaw at ako

Kayo ang sumulat

Kayo ang sumulat

Kayo ang sumulat

Kayo ang sumulat

Paraluman থেকে আরও

সব দেখুনlogo

আপনার পছন্দ হতে পারে