O kay sarap sarap namang damhin
Pagmamahal na ubod nang lambing
Ito'y ngayon lang nadama
Ng puso ko at damdamin
O giliw ko sana'y huwag magbago
Itong pag ibig at pagsuyo mo
Pagkat ang buhay kong ito
Ay sadyang laan para sa iyo
Ikaw mahal, tanging ikaw
Ang nagbigay ng pag asa
Sa buhay ko na kay lungkot
At kay tagal nagdurusa
Ang puso ko'y lumulukso
Sa tuwa pag kapiling ka
Kapag ikaw ay nawala
Ayoko nang mabuhay pa
O kay sarap sarap namang damhin
Pagmamahal na ubod nang lambing
Ito'y ngayon lang nadama
Ng puso ko at damdamin
O...Ikaw mahal, tanging ikaw
Ang nagbigay ng pag asa
Sa buhay ko na kay lungkot
At kay tagal nagdurusa
Ang puso ko’y lumulukso
Sa tuwa pag kapiling ka
Kapag ikaw ay nawala
Ayoko nang mabuhay pa
O giliw ko sana'y huwag magbago
Itong pag ibig at pagsuyo mo
Pagkat ang buhay kong ito
Ay sadyang laan para sa iyo
Para sa iyo
Para sa iyo