Pinapaasa mo lang ako ang hirap naman ng gan'to
Wala nang sigla, nawala nang bigla
'Di ba lahat naman ay ginawa ko para
Wala nang bumaba pa at pumara
Sa relasyon nating dalawa 'yung sana
Sana tayo pa rin ang magkasama
Ngunit hindi na mauulit 'yon, kasi ika'y nanawa na
Ayoko rin naman ipilit 'to kasi nga nakakasawa na
Bigla ka na lang nagbago, ano ba ang mga nagawa ko?
Nakakalungkot na isipin 'yon pero balewala sa 'kin 'yon
Bakit ba ganito ang pinakita mo? (Oh, no, no, no)
Tapos papaikutin mo at gagaguhin mo lang pala ako, oh-oh-oh-woah
Sabi nga nila mali ang mahalin ka
Eh kung ganun ayoko na maging tama kaso
Pinapaasa mo lang pala ako, baby (oh-woah)
Hindi ko na kaya, 'cause, baby, you just make me crazy
Wala na 'kong t'yansang mahalin ka pa ulit (Wala)
Wala na ring balak bumalik ako ulit, oh, no (wooh)
Tanong ko bakit ba gan'yan?
Kahit kailan 'di mo magawang pahalagahan
Kulang na lang ako ay maging kawatan, nakawin ang atensyon mo
Handa ko 'yan gawin kung 'yun ang natatanging paraan
Handa kang pagbigyan
Pero sana ay bigyan mo din ako at 'wag na 'wag mo na 'kong pagtripan
Kasi nakakapagod din naman at kung mamarapatin
'Di na kita dapat pang pagsilbihan
Kaso ano? Mahal kita anong magagawa ko
'Yung suklian mo ayos na 'ko kahit kapiraso
'Di kita pinipilit na magbago
Pero sana naman 'wag mo akong pagtakahin na parang may atraso
Para makaranas ng gan'to
Halos 'di na ko makatulog daig pa 'yung nakahigop ng bato
Habang ikaw, manhid ka sa lahat ng pangyayari
'Wag na lang sana balang araw sa 'yo 'to mangyari
Kasi pag dumating na ang oras na ako'y mapagod
Ay tuluyan nang 'di haharap sa aking pagtalikod
Kaysa makipaghabulan sa puro na lang sana
Mas mabuting balewala ka na lang din sa 'king alaala
Masyado ka nang paasa 'di naman p'wede 'yon
Kung patuloy 'yung gano'n 'sa'n pa 'ko pupuluting direksyon?
Eh 'di wala din, dahil sa pagbabago ng ugali mo
Ay mas mabuting umalis na lamang din sa paligid mo