menu-iconlogo
huatong
huatong
sunkissed-lola-damag-cover-image

Damag

Sunkissed Lolahuatong
⠀u2009u2009⠀u2009⠀⠀u2009u2009⠀u2009⠀⠀u2009huatong
লিরিক্স
রেকর্ডিং
Habang malalim ang gabi

Ating sulitin na ang bawat sandali

Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin

Patungo sa akin

'Di mo ba gustong

ako'y nagsusumamo?

Para kang bugtong,

palagi kang malabo

'Di mapakali, damdamin ay kabado

Ikaw na ang sanhi, ikaw pa rin ang puno't dulo

Ba't 'di ba pwedeng pagbigyan

Ang nararamdaman?

Manatili munang magkatabi

Hanggang umaga lang

Makasama habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan)

Ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal)

Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin (hahawakan, magdamagan)

Patungo sa akin (sasamahan ka)

Uh, napahiling at napasabi na lang

Na baka sakaling mapasa'kin ka nga

Pumikit, humingang malalim, humikbi

Pasimple sa hangin, halika, halika

Iniisip kung aanhin ko pa ang, ang nadala kong pagmamahal

Kung 'di naman ikaw ang tatanggap

Tingnan mo mata ko, babakat na 'di lamang ako nagpapanggap

Nag-aalala ka kung tatagal, eh, araw-araw nga kitang mahal

Magandang simula ang ilang salita

Pasalamat pa nga't nakausap kita

Sang-ayon man o hindi ating paligid, sasalubungin ko ang iyong tinig

Sasaludo sa 'yo aking pag-ibig, aking pag-ibig

Papel ko sa 'yo ay sulatan mo lamang, sana mapunan mo na ang blangko

Ako ang pader kung gusto ng sandalan sa mga laban na hinaharap mo

Sabay tayo na matututo, alamin lang natin ang panuto

Paghirapan kahit na magkulang ang tulog, handa 'kong manatili kaya

Pwede bang pagbigyan

Ang nararamdaman? (Nararamdaman) hmm

Sa 'kin ay tumabi

Hanggang umaga lang (hanggang umaga lang)

Mahagkan ka habang malalim ang gabi (hahawakan, magdamagan)

Ating sulitin na ang bawat sandali (sasamahan ka, mahal)

Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin (hahawakan, magdamagan)

Tungo sa akin (sasamahan ka)

Makasama hanggang umaga (hahawakan)

'Di mo kailangang mag-atubili (magdamagan)

Dito ka sa aking tabi (sasamahan ka, mahal)

Mahagkan ka hanggang umaga (hahawakan)

'Di mo kailangang mag-atubili (magdamagan)

Dito ka sa aking tabi (sasamahan ka)

Sunkissed Lola থেকে আরও

সব দেখুনlogo

আপনার পছন্দ হতে পারে