Magtanim ay di biro
Maghapon kang nakayuko
Di man lang makatayo
Di narin makaupo
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.
O pagkasawing palad
Ng binaon sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Kundi kumita ng pilak.
Sa umaga pagkagising
Ang lahat ay isipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo ay magsipag unat unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas