Nong isilang ka sa mundong ito laking asar ng magulang mo
At ang kamay nila'y kinagat mo
At ang lolo at lola mo'y di malaman ang gagawin
Minamasdan pangit nilang apo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay pagkat makulit ang tatay mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong
Amang basang basa sa 'yo
Ngayon nga'y malaki ka na malaki na rin ang utang mo
Manang mana ka sa tatay mo
Ikaw nga'y biglang nagbago naging matigas ang iyong ulo
Kaya tinawag kang totoy bato
Di mo alam na si totoy bato'y
Tinodas na binoga ni boy pana
Di mo alam na si totoy bato'y
Tinodas na pinana ni ben boga
Nagdaan pa ang mga araw tumubo nang bungang araw
Ikaw ay nagkamot 'ya'y masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang 'yong inang nagsasakla
At ang tanong Anak meron ba tayo diyan
At diyan natatapos ang awiting anak na aming pinalitan
At diyan na rin natatapos ang pag awit
Naming tatlong anak ng kuwan