Habang tumutunog ang gitara sa 'kin
Makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking isinulat ko kagabi
'Wag sanang magmadali at 'wag kang magatubili dahil
Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko'y kupas na
At kahit na marami d'yang iba
Ganito man ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pagibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Na umaasa hanggang ngayon
Hindi mo namang kailangan ang sagutin
Ang aking hinihiling
Nais na maparating
Na 'di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa
'Di kailangang manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
Upang makasama ka
Kapag nakikita ka
Lagi kang aalalayan kahit ano man ang 'yong
Mga ibinubulong
Malalim pa sa balon
Ito lamang ang
Pagibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Humingi na ba ng saklolo
Kay SpiderMan o kay Batman
Kay Superman o Wolverine
Kahit 'di maintindihan
Baka sakaling pansinin
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Ay ang
Ko sa 'yo ito'y totoo
Wala nang iba ikaw at ako
Lang ang nasa isip at panaginip
'Pag nakikita ka sasabihin ko'y
Nawawala ikaw na nga
Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang
Kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit
Ganito lang ako
Simpleng tao
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pagibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Ang maipagyayabang ko lang sa 'yo
Pagibig ko sa 'yo na 'di magbabago
At kahit na anong bagyo ika'y masusundo
Ganito lang ako
Maniwala ka sana sa akin
Simpleng tao
Na ikaw ang lagi kong dalangin
Na umaasa hanggang ngayon sa pagibig mo