Kung ako'y iiwan mo, kung ako'y iiwan mo
Sana'y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kundi sa 'yo
Ang kagandahan ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo
Landas ng pag iisa tatahakin ko, sinta
Upang di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala
Ngunit saan ako tutungo pa na di kita makikita?
Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Matitiis ko ba muli pang mag isa
Kapag wala ka na aking sinta?
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba sa ki'y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan?
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no
kung di ka mahagkan?
At may umaga ba (too root doo)
Sa ki'y sisikat pa (too root doo)
Kapag wala ka na at di magisnan?
Kung ako'y iiwan mo
Kung ako'y iiwan mo,
Matitiis ko ba
Muli pang mag isa,
Kapag wala ka na
Aking sinta?
Pa'no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko'y pa'no
kung di ka mahagkan?
At may umaga ba (too root doo)
Sa ki'y sisikat pa (too root doo)
Kapag wala ka na at di magisnan?
May pag ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?
May pag ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko'y
iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya
Kapag ika'y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?