UPLOADED BY CHINOYUSA
Hindi ko alam kung anung nagaganap
naguguluhan at bakit ako'y naghahanap.
Hindi ko masabi kung anong nilalaman
ng pusong alam kong ikaw ang kailangan.
Alam kong marami na akong pagkukulang
Puro sakit ang dulot ko at pinaparamdam
Hindi ko mawari kung anong humahadlang
sa ating pagsasama na unting lumalamlam
At kung ramdam mo na unting nawawala
ang pagmamahal nating pinag-isa
Ang tanging hiling ko lang sayo sinta
subukan ulit natin mula sa umpisa.
Kung may araw man akong di naging totoo
Kung di mo na maramdaman ikaw ang mahal ko
Kung di ko nasabi na dati'y may iba
Idadaan sa yakap ang pagsisisi sa sala.
At kung ramdam mo na unting nawawala
ang pagmamahal nating pinag-isa
Ang tanging hiling ko lang sayo,sinta
subukan ulit natin mula sa umpisa.
Kung di mo na makita ang walang hanggan
na ako ang kasama , sa gitna ng dambana
Nakita ko na saiyong mga mata
kung bakit ayaw mo na
Mahirap ipilit ang hindi na talaga
Pinapalaya na
Pinapalaya na
Pinapalaya ka na kahit mahal pa.
UPLOADED BY CHINOYUSA