Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa'yo
Di mo man lang napapansin ang bagong tshirt ko
Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?
Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko
Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi, at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong ligaya
Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko?
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko?
Di naman ako mangyakis tulad ng iba
Pinapangako ko sa iyo na igagalang ka
Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka, sa tangali, sa gabi, at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong ligaya
At asahang iibigin ka sa tanghali, sa gabi at umaga
Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong ligaya