BUGTONG BUGTONG
A Customized arrangement of Florante's
song credited to one of my favorite
his profile for more to join songs..
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip’
Bugtong bugtong subukin
kung ito’y matutugon
Hindi hayop, hindi tao
ngunit mayrong ulo
Kadalasang kasama ay mga karpintero
At kung ito’y ililibing sa kahoy o bato
Kailangang pukpukin ng martilyo
Bugtong bugtong subukin
kung ito’y matutugon
Hindi hayop, hindi tao
mayrong buto’t balat
Mahaba ang bituka at ito’y lumilipad
Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad
Asahan mong ito ay sasadsad
Bugtong bugtong subukin
kung ito’y matutugon
May dila nga ngunit
ayaw namang magsalita
Kambal sila’t laging
kasama ang isa’t isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa iyo ay sasama
Bugtong bugtong subukin
kung ito’y matutugon
Mayrong araw, mayrong
buwan hindi naman langit
Mayrong katapusan ngunit
muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi
Wakas niya ay ipinagbubunyi
May liwanag kung mayrong dilim
May sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip’
Bugtong bugtong subukin
kung ito’y matutugon
Bugtong bugtong subukin
kung ito’y matutugon
Salamat po sa walang sawang pagtangkilik