menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Breadwinner

Geo Onghuatong
taquaritubahuatong
Liedtext
Aufnahmen
Bakit ba ganito

Tanong ko lang mahalaga ba ako sa inyo

Bakit parang ako lang ang may pasan nito

Pamilya ko nga ba talaga kayo

Sana'y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko ooh

Para sa inyo

Hindi ba dapat pamilya ang una kong tatakbuhan

Pero bakit ganun akoy inyong tinakbuhan

Ang anak niyo lamang ay yung matalino kong kapatid

Kahit sagot ko naman ang lahat pag tayo ay said

Mabait lang kayo Ma Pa pag may kailangan

Ang lambing niyo ah tatay tatayan nanay nanayan

Yan ang galawan na inyong nakasanayan

Anak yung utang ko kelangan ng bayaran

Ano po ba ang tingin niyo sakin ha mayaman

Pag wala 'kong naibigay ako may kasalanan

Mga miyembro ng pamilya mo na abusado

Hingi lang ng hingi sayo ayaw mag trabaho

Pag 'di ka nakapagbigay ikaw pa ang masama

Wala eh pamilya mo kaya wala kang magawa

Kung lagi kayong ganyan pa'no naman ako

Isipin niyo naman ako wag yung kayo lang ng kayo

Lagi nalang ako bakit ganto

Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo

Kung mahal niyo ako niyo ako

Hindi sana ganto

Hindi sana ganto

Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

Pipilitin ko paring kayanin 'to

Sana'y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Mismong magulang mo ikaw ay palaging sinasaktan

Sobrang sakit na pero pilit mo paring tinatakpan

Minsan hindi mo na alam kung ano ang gagawin

Sa agos ng buhay na to san nga ba tayo dadalhin

Kasi nakakapagod ng huminga

Pakiramdam ko ang lahat sa akin ay huli na

Ang tagal ko ng nabubuhay pero halos walang bago

Talunan parin ang tingin sakin ng mga tao

Kung buhay ang tawag dito ayoko ng mabuhay

Gusto nila pekeng ikaw ayaw nila ng tunay

Gusto nila kung ano sila dapat ganun kadin

Sa panahong ngayon tanong ko lang dapat ba yong gawin

Walang nangangamusta wala ring kumakausap

Pag pikit ko halos ayaw ko ng buksan ang talukap

Nakakapagod na nakakapagod na

Buhay na bigay mo sakin saan nga ba ang punta Diyos Ama

Lagi nalang ako bakit ganto

Naalala niyo lang ako pag may kailangan kayo

Kung mahal niyo ako niyo ako

Hindi sana ganto

Hindi sana ganto

Kung mahal niyo ako sana naman ipadama niyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

Pipilitin ko paring kayanin 'to

Sana'y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Kaya lagi mong tandaan ang masamang karanasan

Habangbuhay yan nandiyan hindi ka niyan tatantanan

Sarili mo lang ang kakampi mo oo walang iba

Sa mundong to haharapin mo ang laban ng mag isa

Oo mag isa nuon pa man ganun naman diba

Kapag meron ka lang tska lamang nandidiyan sila

Para makahiram ng pera ang lakas pa mang uto

Sasabihin pang parang di naman tayo magkadugo

Kadugo wag niyo naman sanang abusuhin

Porke kilala niyo 'ko na masyadong masunurin

Ayoko pa naman sa lahat mga mangagamit

Hindi ko namalayan ako na pala nagamit

Pero ganun pa man kahit sobrang galit ako

'Di ko parin makayanan na ipagpalit kayo

Dahil isa lang ang mundo bali baliktarin man 'to

Kayo parin at ako pamilya ko parin kayo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

Pipilitin ko paring kayanin 'to

Sana'y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Kahit parang ako lang ang may pasan nito

Pipilitin ko paring kayanin 'to

Sana'y mahalin niyo rin ako oh

Lahat ay gagawin ko para sa inyo

Mmmmm

Mehr von Geo Ong

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen

Breadwinner von Geo Ong - Songtext & Covers