menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Bentedos

Hambog Ng Sagpro Krewhuatong
omar_alonso5huatong
Liedtext
Aufnahmen
Sana itong awitin ko kahit saglit bigyan ng oras

Di kase kita mabibigyan ng tsokolatet rosas

Chocolate sakit sa ngipin rosas ay nalalanta

Pero eto mula sa puso ang sinulat kong kanta

Na ikaw ang tanging bida at ikaw lang ang laman

Mahal kase kita yun lamang ang aking naramdaman

Simula nung nakilala ka sa aking paglabas

Maria leonora theresa canlas

Eh pano kung maria theresa canlas de guzman

OK yun ah di ba mas magandang pakinggan

Pero balita ko ngayon ikaw ay may iba nang

Minamahal pero ako hanggang ngayon ikaw lang

Kase di ba noong akoy nanligaw akoy nangako

Na ikaw lang iibigin kaya tinupad ko nga to

Dahil langit na malayo sakin mo itinabi

Sayo ko lang itatanong tanong na will you marry me

Could it be that I have found an angel

I can see heaven in your eyes

In my soul I never will be lonely

For there will be an angel by my side

Kahit tayoy magkalayo akoy kumapit sa tiwala

Na ako pa rin ang yong hambog ikaw aking diwata

Kung mayron ka ngang iba wala na kong pakealam

Bastat mahal kita yun nalang aking alam

Kaya lahat ng nasa puso ko ay aking sasabihin

Kung kanino ka man mapunta ikaw ay babawiin

Upang ang pagmamahalan ituloy natin ito

Simula nobyembre bentedos ng dalawang libo at pito

Dahil ikaw lang natatangi na sa akin nagpabago

At ikaw lang tinanggap ng puso ko na may kandado

Na ang susi ay wala sayo ang susi di mo nakuha

Pero ayos lang kase ikay pinapasok ko nang kusa

Dahil mahalin kita hindi ko yon pinagisipian

Dahil yun ang gusto ko wala akong pinagsisihan

Oo mahal kita wala akong magagawa

Wala akong magagawa kapag ikaw ay nawala

Kapag ikaw ay nawala wala akong magagawa

Balibaliktarin mo man kase ikaw lang talaga

Mula noon hanggang ngayon at kahit kailan

Lahat ng aking ginawa lahat ikaw ang dahilan

Could it be that I have found an angel

I can see heaven in your eyes

In my soul I never will be lonely

For there will be an angel by my side

Kaya sa mundo na ito may nanatili na ako

Dahil ako ay mayroong ikaw ako namay sayo

At tatahakin natin ang mundong sadyang mapaglaro

Kahit tayoy magkalayo alam kong magkakatagpo

Ang dating magkasamang magasawang jv at matet

Hindi ako susuko hanggang sa muling magkalapet

Ang puso mo at puso ko na ikaw lang ang umakit

At humawak ka lang sa tiwala dun ka lang kumapit

Sige kumapit ka at wag na wag kang bibitaw

Sumama ka na dito sakin di tayo maliligaw

Ng landas di ba pinasok natin tong magkasabay

Hanggang ngayon ikaw pa rin at akoy naglalakbay

Hindi problema ang distansya sa pagibig na tiyak

Tatapusin ko na to bago pa ko maiyak

Basta kahit anong mangyare dito satin ngayon

Wag mo kong iiwan ha di ko kaya yon di ko kaya yon

Could it be that I have found an angel

I can see heaven in your eyes

In my soul I never will be lonely

For there will be an angel by my side

In my soul I never will be lonely

For there will be an angel by my side

Mehr von Hambog Ng Sagpro Krew

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen