Kung bibitaw nang mahinahon
Ako ba'y lulubayan ng ating
Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing?
Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong
Ipagtagpo ng hinaharap?
Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilit
Kung 'di naman tayo ang
Para sa isa't isa?
'Di ba sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa? Woah, woah
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?
Siguro nga'y wala nang natira
Sa mga sinulat mo na para sa 'kin
Alam kong luha ang bumubura
Ngunit hayaan mo na lang
Walang saysay ang panalangin ko
Kung 'di ako ang hahanapin mo
Kahit sigaw pa ang pagsamo ko sa 'yo
Bakit 'di mo dama 'to?
Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilit
Kung 'di naman tayo ang
Para sa isa't isa?
'Di ba sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa? Woah, woah
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang
Para sa isa't isa
'Di ba sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa? Woah, oh
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?