menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Rainy Daze (My Key) [feat. Cean Jr.]

K. Deal/Cean Jr.huatong
sonia_cabrilshuatong
Liedtext
Aufnahmen
Sarili ay binubulungan

Naglalakbay na labi tungo sa'yong kagubatan

Ang katawan ipaglapit kahit sa'kin dumagan

Pagkukulang ng huli hayaan mong mapunan

Basta ikaw ang katabi, damit wala nang silbi

Para ikaw ay mapa-oo, 'di na ko hihindi

Sa gigil na hatid, maghapon man ako magtimpi

Buo pa din ang ibabayad, 'di kailangan sukli

Kasi alam mo naman pag ikaw ang nandyan

Kahit anong hiling wala na rin akong magagawa

'Di makapalag kahit titigan masama

Para bawi, lunurin sa halik 'gang sa tumanda

Lumaki man na pilosopo, basta sayo ay totoo

Ikaw ang reyna na kailangan tatabi sa trono ko

Alam mo na 'yon kaya 'wag nang magtampo

Malungkot dahil mag-isa

Oh sa gabing maulan, ikaw lamang

Nais mayakap (Woah)

Ako sana'y mapagbigyan

Na makapiling, mapagsaluhan ang init magdamag (Woah)

Lalim ng aking hilinig, panalangin sa bituin

Sana bawat gabi laging makatabi at

Namamaga na ang mga mata sa kakapuyat

Magdamag gising, pag-isip kung ano ang kulang

O ano dapat sobra, imaniobra

Ora mismo, ihahandog sayo na obra, para

Baka pwede na akong bumaba

Medyo napapalayo na ko sa ngiting hiwaga

Ang dala sa aking buhay, ikaw nagpatunay

Na sa'yong mga mata makikita salitang mahal kita

Sa pag-apak nagdahan-dahan

Sa paraisong halimuyak mo ang hagdanan

Ako'y hinila pataas sa walang hangganan

Sa kalawakan hinatid ng siping sa higaan

Tahanan ko ang pag ibig mo, hinding hindi malilito

Maghapon man mag-away, ikaw pa din ang pipiliin

Kasi alam mo naman pag ikaw ang nandyan

Kahit anong hiling wala na rin akong magagawa

'Di makapalag kahit titigan masama

Para bawi, lunurin sa halik 'gang sa tumanda

Lumaki man na pilosopo, basta sayo ay totoo

Ikaw ang reyna na kailangan tatabi sa trono ko

Alam mo na 'yon kaya 'wag nang magtampo

Malungkot dahil mag-isa

Oh sa gabing maulan, ikaw lamang

Nais mayakap (Woah)

Ako sana'y mapagbigyan

Na makapiling, mapagsaluhan ang init magdamag (Woah)

Nakailang tawag, nababagabag na na

Nailang na tumawa, nilalabanan pa

Ang inip, ayaw man magpumilit

Pero kailangan ka sa sandaling araw ay bumabagal dahil

Nalulumbay, sa iyo nangungulila

Ikaw ang tubig kung saan sinawsaw ang kandila

Sana naman mapagbigyan, sayang lamig ng panahon

Ikaw ang tangi na gustong kasama at katabi sa

Oh sa gabing maulan, ikaw lamang

Nais mayakap (Woah)

Ako sana'y mapagbigyan

Na makapiling, mapagsaluhan ang init magdamag (Woah)

Mehr von K. Deal/Cean Jr.

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen