Heto ka na naman
Kumakatok sa'king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong
Paulit ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan
Ewan ko bakit ba
Hindi ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang
Nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo
Parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay 'di mo makita
Kung ako na lang sana
Ang 'yong minahal
'di ka na muling mag iisa
Kung ako na lang sana
Ang 'yong minahal
'di ka na muling luluha pa
'di ka na mangangailangan pang
Humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa'yo
Heto pa rin ako,
Umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito'y magbago
Narito lang ako
Kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang
Mahalin mo rin akong lubusan
Kung ako na lang sana
Ang yong minahal
Di ka na muling mag iisa
Kung ako na lang sana
Ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang
Humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...
Oooo...
Kung ako na lang sana
Ang yong minahal
Di ka na muling mag iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang
Humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...