menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Ipagpatawad mo - Kim molina Track

Kim Molina/Gerald napoleshuatong
💫💙Replicate💙💫TSML💫huatong
Liedtext
Aufnahmen
Ipagpatawad mo aking kapangahasan

Ang damdamin ko sana'y maintindihan

Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo

Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo

Ipagtawad mo ako ma'y naguguluhan

Di ka masisi na ako ay pagtakhan

Di na dapat ako pagtiwalaan

Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo

Ngunit parang sa'yo ayaw nang lumayo

Ipagpatawad mo minahal kita agad

Ah minahal kita agad (matagal ko ng sabihin sayo to)

Ah minahal kita agad (kahit ngayon lamang tayo nagkatagpo)

Ah minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ika'y sumakay)

Ah minahal kita agad ( sa aking pedicab)

Nang ikaw ay unang beses kong masilayan

Di ko malaman bakit nagkaganito

Inutusan lang naman ako ng aking inay na pumunta ng palengke't bumili ng pito-pito

Sinigang sa miso ang ulam namin sa umaga

Tanghali hapunan abutin man ng gabi

Pabalik-balik mang lumakad sa harapan ng inyong tindahan

Kahit wala akong pera na pangbili

Nilakasan ang loob at nilapitan kita

Baka sakaling pwede kitang maimbita

Kahit di gaanong maayos ang suot ang polo ko na kulubot

Pagkatapos ako'y nagsalita mawalang galang na miss teka wag kang mabilis

Lumakad yo pwede ba kitang maihatid

Gamit ng aking pedicab na aking pinakintab

Wag ka ng magbayad sana sa akin ay bumilib Ako ng magdadala ng payong at ng bag mo

Palagi kong pupunasan ang mga libag mo

Kahit di ako ang pinapangarap hinahanap pag kaharap ay palaging binibihag mo

Ang katulad kong maralitang umiibig at pilit na inaabot ang mga bituin

Gaano mang kadaming salita ng aking ipunin balutin ilihim sabihin ang tangi kong hiling

Makinig ka sana sa akin

Ah minahal kita agad (matagal ko ng sabihin sayo to)

Ah minahal kita agad (kahit ngayon lamang tayo nagkatagpo)

Ah minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ika'y sumakay)

Ah minahal kita agad (sa aking pedicab)

Sakay sa iyong pedicab boy at sayo'y main-love boy

Ipapadama ko sayo habang umaandar ang iyong pedicab boy laging sayo lang boy

Pag-ibig ko na ganito kahit ano pang iyong gustong gawin

Kapag nababagalan ay kayang kaya mong pabilisin

At kahit na ano pang hirap ay di ko pansin mga daan na matarik ay aking pipidalin

Pigilin ikaw ang nilalaman ng aking isipan mapa-araw man oh mapa-gabi

Di mo idadaan sa putik ikaw lamang nakaukit kahit mapasa isang tabi

Sa pagsikat ng araw inaabangan ka na

Makita lamang ang iyong mga magandang mata

Palagi ko dinadalangin kahit di mapasa-akin ay lagi kong sinasabi na mahal kita

Pero ang buhay ay talagang napakapait di pwedeng sumabay ang tag ulan sa tag init

Bakit laging minamaliit di ko pwedeng makamit ang katulad mo pilitin ko mang dumikit

Okay lang ako sa wallet mo na manipis

Sa mumurahing pabango na di ko matiis at kung talagang di pwede sabihin lamang sa akin

Asahang hinding hindi ako maiinis dahil sa tubig at langis

Ah minahal kita agad (matagal ko ng sabihin sayo to)

Ah minahal kita agad (kahit ngayon lamang tayo nagkatagpo)

Ah minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ika'y sumakay)

Ah minahal kita agad (sa aking pedicab)

Ako ay maghihintay

Ah minahal kita agad (matagal ko ng sabihin sayo to)

Ah minahal kita agad (kahit lagi na lamang tayo nagkatagpo)

Ah minahal kita agad (lagi kong pinapangarap na ako ay sumakay)

Ah minahal kita agad (sa iyong pedicab ako'y maghihintay)

Ah minahal kita agad

Ah mahal na kita agad

Mehr von Kim Molina/Gerald napoles

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen