Kahit saan, kahit kailan
Kahit anong bagyo pa man ang dumaan
Ikaw pa ri’y pupuntahan
At kung ano man ang nararamdaman
Asahan mong ako’y andito lang
‘Di ako lalayo kailanpaman
Kailanpaman
At kahit madalas na tayong
‘Di magkasunduan
Ikaw pa rin ang uuwian
Mahal, ikaw ang uuwian
Baguhin man ng libu-libong buwan
Ang kulay ng kalangitan
Pangako ko hindi kita iiwan
Pangako ‘yan
At kahit madalas na tayong
‘Di magkasunduan
Ikaw pa rin ang uuwian
Mahal, ikaw ang uuwian
At kung umabot man sa dulo
At tatanda na tayo
Ikaw pa rin ang uuwian
At kahit na maghirap tayo
‘Di na magbabago
Ikaw pa rin ang uuwian
Ikaw pa rin
O ikaw pa rin
Ikaw lang ang uuwian