Hanggang saan aabutin ang 'yong lakas
'Pag 'di na n'ya naaalala ang nakalipas
Pagmamahal nga ba'y walang saysay
Pag di na gunita
Parang isang bit'wing nahuhulog
Dahan dahang naglaho
Unti unti mang mawala
Di malilimot nang sa puso
Ang pag ibig na totoo
Kailan patatahanin ang mga luha
Nasasaktan ka ng hindi naman sinasadya
At kung umabot mang pumili sya ng iba
Oh iibig ka pa ba sa kanya
Pilitin man hindi magbabago
Ang pag ibig ko sa'yo
Mauwi man sa wala ako'y magtitiwala
Na minsan ay umibig ng totoo
Na minsan na ako'y inibig mo