menu-iconlogo
huatong
huatong
meanestpsycho-gitnang-silanganan-cover-image

Gitnang Silanganan

meanestpsychohuatong
peyotefixhuatong
Liedtext
Aufnahmen
Lika alamin kausapin natin sa baba si saladin

Limasin natural na yamanin sa gitnang silangan

May taga kanlurang yaong salarin

Tupang lobong nagtatago sa balat apulahin

Napatambay lang ako sa limbo

May nagaway dahil sa sinulat niya sa libro

Dinebate lang nila kung tama ba yung ulo na tinalaga

Relihiyoso pero parasitiko na talaga

Mga tinakot na lumaban para sa lupang hindi na matubos

Sa taas ng interes ay maka Diyos

Taliwas at hikahos ito'y patunay

Sa mga busabos na walang palag na dinarag

Hindi sila nakasalag ng biglaang ninakawan ng nagkunwaring mga kaibigan

Ngunit pinagnanasahan na pala

Yan ang napala nung nag tiwala at iiwan kang naka nganga

Nobelang nilangis sa palara

Lika alamin kausapin natin sa baba si saladin

Limasin natural na yamanin sa gitnang silangan

May taga kanlurang yaong salarin

Tupang lobong nagtatago sa balat apulahin

Binalita mula sa kahon

Binasurang ikinalat para makapon

Sinarile ko yung lason at naumay sa pugon

Pinabaga at niningas ang hinasa ko sa bakal

Para maghamon

Ngayong nakapagsalita na iyong sanggol

Ito'y iyak ng gutom pero di ito bulol

Daming quiboloy na inukol naniwala ang mga tanga

May herarkiya pang nilatag ang tubol sa walangya

Utak tsina yan sa kalidad

Ng umusad ka sa lakad at manalamin

Bata sa edad

Lumungad pero kupal sa reyalidad

Negatibong abehero sa komunidad

Aparato ng bayad

Lika alamin kausapin natin sa baba si saladin

Limasin natural na yamanin sa gitnang silangan

May taga kanlurang yaong salarin

Tupang lobong nagtatago sa balat apulahin

Gawing gabay lang ang libro

Wag hayaan na basahin ka nito

Husgahan kahit lito

Dami dito sa mundo

Akala mo ay diyos na santo manghukom

Sa labas lang ng simbahan may hampas lupang gutom

Tara sumama at tawanan lang ang mga ulopong

Na may magara na barong paglabas ay bubulong

Kasalanang ginulong iniimis ng linggo

Hinugasan na kamay salaula sa kuko

Mehr von meanestpsycho

Alle sehenlogo

Das könnte dir gefallen