Yeah!
Ang akala nila, katapusan ko na iyon!
Ang akala nila, di ko kayang bumangon pa!
Di nila tayo kayang makuha sa santong dasalan!
Di pwedeng sirain ang ginawa, naming pangalan!
Hindi nagduda sa kakayanan kaya tanging sarili ang tatayaan
Sa mundo na uso ang dayaan dapat na mag-ingat kung saan dadaan
Plano dapat paganahin, dapat lahat makakain
Narinig yung panalangin na hindi talaga lubos akalain
Akoy sanay talaga na gumapang, mas pinatibay at lalong tumapang
Natuto lang din talaga lumaban, umangat man pero hindi yumabang
Dating bigat ngayon ay gumaan mga pagsubok lang talaga dumaan
Mag-isa ako lang ang pumasan, mga mata ngayon ay hindi luhaan huh'
Mula sa mikroponong hawak, mga katagang umaapoy!
Hindi na mabilang sa daliri yung mga napagtagumpayan na hamon
Kaya hindi na para indahin yung mga sakit na kumalabit saken kahapon
Alam kong pwedeng patubuin lahat ay pwedeng pasubukin
Ang hindi lang talaga pwede ay yung ako mismo ang pasukuin
Kaya pilit na inilaban
Kahit pa mahirapan pinalakas yun kahinaan
Tanging ang kailangan lang talaga ay yung resultang kainaman
Tapos ipapasa ko yung apoy sa mga tunay na nangangailangan
Kaya kung tunay mo kong naririnig ay hinding hindi tayo kailan man magkakailangan
Ikaw ang may kailangan
Alam ko..
Kung sino ako
Walang sinuman ang hahadlang...
'Wag kang humarang
'Wag kang humarang
Ako'y tuloy-tuloy lang sa patutunguhan..
Oh''
Di lumaki sa karangyaan, ngunit puno ng abilidad!
Upang wasakin ang sumpa ng realidad!
Sabi nila di matutupad, kita ko kung sinong huwad!
Kutsilyo sa lalamunan nila, ating isasagad!
Paangat na hihilahin palagi salamat din sa mga di bumitaw
Pati na din sa mga sumigaw dahilan kung bakit ako mas lumitaw
Di lang basta basta na sumingaw at hindi lang din basta basta umayaw
Mga matibay lang matitira
Kung sino lang talaga gumalaw
Paangat na hihilahin palagi salamat din sa mga di bumitaw
Pati na din sa mga sumigaw dahilan kung bakit ako mas lumitaw
Di lang basta basta na sumingaw at hindi lang din basta basta umayaw
Mga matibay lang matitira
Kung sino lang talaga gumalaw
Alam ko..
Kung sino ako
Walang sinuman ang hahadlang..
'Wag kang humarang
'Wag kang humarang
Ako'y tuloy-tuloy lang sa patutunguhan
Alam ko!..
Kung sino ako!
Walang sinuman ang hahadlang!...
'Wag kang humarang!
'Wag kang humarang!
Ako'y tuloy-tuloy lang sa patutunguhan!
Wala! (Walang!)
Sinuman! (Sinuman!)
Ang hahadlang! (Ang Hahadlang!)